Dole sa mga manggagawa: ‘Wag madismaya

HINDI dapat madismaya ang mga manggagawa sa nilalaman ng talumpati ni Pangulong Benigno Aquino ngayong Labor Day.

Ayon kay Labor Secretary Rosalinda Baldoz, pinag-aaralan pa ng mga regional wage board ang hirit na wage hike.

Kanina sa talumpati ni Pangulong Aquino sa Malakanyang ay agad na nadismaya ang mga grupo ng manggagawa nang hindi makarinig ng “good news.”

Sinabi ni Pangulong Aquino na hindi naman tuluyang ibinasura ang P125 legislated wage hike bagkus ay pinaaamyendahan lamang.

Nakatuon umano ang pamahalaan sa mga pangmatagalang solusyon upang mapalakas ang sektor ng paggawa kaysa sa mga pansamantalang solusyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply