DoLE umalma sa SWS survey

PINALAGAN ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang lumabas na resulta ng survey ng Social Weather Stations (SWS) na umabot na umano sa record-high na 34.4-percent na katumbas ng 13.8 milyong indibidwal ang bilang ng mga walang trabaho sa bansa.

Ayon kay Labor Secretary Rosalinda Baldoz, taliwas ito sa resulta ng sariling survey na ginawa ng gobyerno partikular na ang 2012 First Quarter Labor Force Survey na isinagawa ng National Statistics Office nuong Enero.

Sa nasabing survey ng pamahalaan ay lumilitaw na lumago umano ng tatlong porsyento ang antas ng employment sa bansa.

Mula umano sa 36.29 million na bilang ng mga may-trabaho nuong 2011, tumaas ito sa 37.39 million sa unang bahagi ng taong 2012.

Tumaas din umano ang antas ng labor participation, mula sa 63.7 percent nuong 2011 patungo ng 64.3 percent nitong unang bahagi ng kasalukuyang taon matapos tumaas ng 2.8 percent ang pwersa ng paggawa at umabot ito sa 40.31 million.

Binigyang diin naman ni Baldoz na ang survey ng SWS na ginawa nuong Marso ay hindi maaring ikumpara sa Labor Force Survey ng NSO na siyang ginagamit na batayan ng gobyerno, World Bank, ADB, IMF, International Labor Organization at iba pang mga development partner ng Pilipinas.

Ito ay dahil magkaiba umano ang tinatawag na respondent coverage ng SWS at Labor Force Survey o LFS.

Ang SWS ay may 1,200 na respondent na may edad na 18 taong gulang pataas, habang ang LFS naman ay may respondent na may edad 15 taong gulang pataas mula sa 51 libong household.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply