Donaire, Rios sa June 30

PLANONG idaos ng Top Rank ang isang card sa June 30 sa Mandalay Bay Events Center kung saan tampok sina Brandon Rios at Nonito Donaire sa magkahiwalay na bouts.

Una nang napaulat na si IBF super bantamweight champion Jeffrey Mathebula ang makakaharap ni Donaire sa isang unification fight.

Ayon kay Mathebula, handa na siya sa laban at kahit pa sa susunod na linggo ito gagawin ay hindi niya uurungan ang “The Filipino Flash.”

Kahit nasa negosasyon pa lamang ang laban noong Abril ay nagsisimula na si Mathebula para sa naturang bakbakan na sinasabing gaganapin sa Hone Depot Center sa California.

Si Mathebula na mga tatlong pulgada ang tangkad kay Donaire ay nakikipag-sparring umano kay IBF No. 1 Vusi Malinga.

Taglay ni Mathebula ang record na 26-3-2 with 14 knockouts habang ang kay Donaire naman ay 28-1 with 18 knockouts.

Ang proposed July 14 PPV extravaganza sa Cowboys Stadium sa Dallas na katatampukan naman ni Juan Manuel Marquez ay hindi naman matutuloy.

Ayon sa ulat, walang kalaban na makukuha si Marquez bilang paghahanda para sa ika-apat na paghaharap nila ni Manny Pacquiao ngayong taon.

Dahil sa pangyayaring ito, maghahanap na lamang ng hindi kilalang katunggali si Marquez na haharapin niya ngayong summer sa Mehiko.

Samantala, si WBC light heavyweight champion Chad Dawson naman umano ay bababa ng timbang sa 168 lbs para makaharap si WBC/WBA super middleweight champion Andre Ward sa September 8.

Sasagupa naman si former WBA/IBF super lightweight Amir Khan kay WBC super lightweight champ Danny Garcia sa July 14 sa Mandalay Bay sa Las Vegas.

Nais ni Khan na maging muling WBA/IBF champion matapos bumagsak sa drug test si Lamont Peterson na naging dahilan din para makansela ang kanilang rematch.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply