Drayber tinakasan, bebot tumalon mula sa umaandar na trike

LUMUNDAG mula sa mabilis na tumatakbong tricycle ang isang dalaga sa sobrang takot sa driver nito na pinaghihinalaang may masamang tangka sa kanyang pagkababae, ayon sa ulat ng Laoag PNP ngayon.

Sa ulat ay kinilala ang biktima na si Leilani Villa, tubong Barangay Buyon, Bacarra, Ilocos Norte at kasalukuyang nakatira sa Brgy. 4, Laoag City.

Nabatid sa statement na ibinigay ni Leilani sa himpilan ng pulisya, sumakay umano siya sa tricycle mula sa Brgy. 1 kung saan siya nagtatrabaho sa isang burger stand.

Laking gulat umano ng dalaga nang habang tinatahak nila ang daan patungo sana sa kanyang boarding house sa Brgy. 4 ay biglang binago ng drayber ang kanilang direksiyon.

Tinanong ni Leilani ang drayber kung saan sila pupunta ngunit hindi sumagot ang driver at sa halip lalo pang binilisan ang pagpapatakbo sa tricycle.

Dahil dito, walang takot na tumalon na lamang ang dalaga at maswerteng hindi na siya binalikan ng drayber.

Kasalukuyang pinaghahanp ngayon ang hindi pa nakikilalang suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply