Dropout dumarami

MEDYO hilo tayo sa naririnig nating mga ulat ukol sa mga dropout sa mga iskul.

May nagsasabing dumarami ang dropout ngayon.

Kabaligtaran naman ang sinasabi ng iba.

Ano ba talaga ang totoo, huh?

oOo

Mabuti pa, tingnan muna natin ang rekord mismo ng gobyerno.

Sabi, sa bawat 100  pupil na pumapasok sa Grade 1, 66 lang ang nakatatapos ng Grade 6.

Mining tu sey, 34 ang awt op iskul.

Mula sa 66 na gradweyt, 58 ang pumapasok bilang pers yir haiskul at 43 ang gagradweyt dito. 15 ang hindi makatatapos at maidaragdag sa 34 na awt op iskul sa elementarya.

Mula sa 43 na haiskul gradweyt, 23 ang nag-e-enrol sa pers yir sa kolehiyo.

Nasa 10 ang kumukuha ng teknikal-bokesyonal kors at 10 ang nagiging drapawt.

Sa kabuuan, Suki, mula sa 100 na mag-aaral sa Grade 1, 59 ang drapawt, ilan lang sa 23 estudyante na pumasok sa kolehiyo ang nakatatapos ng apat hanggang anim na kursong pangkolehiyo.

Nakaiiyak ito, mga Suki.

oOo

Ano naman kaya ang rekord bukas?

‘Yang programang K+12 ni Department of Education Secretary Armin Luistro na nagsimula na at dinagdagan na ang elementarya at haiskul ng tig-isang taon.

Hindi kaya lalong sasama ang rekord sa drapawt at liliit ng gagradweyt sa kolehiyo?

Tingnan ninyo, mga Suki.

Palawak nang palawak ang kontraktuwalisas-yon na nagtitiyak ng kawalang-katiyakan sa trabaho ng mga obrero.

Pabarya-barya na-man ang weyds inkris ng mga may trabaho.

Oo nga at may palu-gaw at palimos ni Dinky Soliman sa Conditional Cash Transfer pero lu-malabas namang wae-pek ito laban sa  kahira-pan dahil sa kontraktu-walisasyon at consuelo de bobong weyds hayk.

Hindi kaya dugo na ang iluluha ng mga ma-gulang bukas?

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply