‘Drug den’ sinalakay; 4 timbog

APAT katao ang naaresto matapos na salakayin ng operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang hinihinalang drug den sa Cebu City, iniulat ngayon.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Jose S. Gutierrez Jr. ang mga nahuling suspek na sina Jacinto Parilla, alyas Esin, 48 at Benswin Villarino, alyas Benz, 24, kapwa nangangasiwa sa umano’y drug den sa isang bakanteng lote sa Sitio Opra, Barangay Kalunasan sa naturang lungsod.

Kasama ring inaresto ang dalawa nilang empleyado at mga look–out na sina Roberto Lanzaderas alyas Jojo, 35 at Arnel Arellano, alyas Aye, 22 ng nasabi ring lugar.

Nag-ugat ang pag-aresto sa dalawa matapos silang magbenta umano ng shabu at nalbuphine hydrochloride at walong disposable na panturok sa poseur buyer ni Director Jigger Montallana ng PDEA RO7.

Nakuhanan pa ng apat na sachet ng shabu ang mga suspek matapos silang kapkapan .

Ang Nalbuphine [hydrochloride] ay isang narcotic pain reliever na may naka-aadik na sangkap katulad ng epekto ng morphine kaya opisyal itong ideneklarang dangerous drugs noong Enero 28, 2011 ng Dangerous Drugs Board Regulation NO. 1 series of 2010.

Kadalasan umanong kostumer drug den ang mga drayber ng “habal-habal” na bumibili ng iligal na droga sa mga suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply