Drug group leader, 3 pa timbog sa PDEA

ARESTADO ang isang lider ng Zambales drug group kabilang ang tatlong tauhan nito matapos ang isinagawang buy bust operation ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) sa nasabing probinsya kamakailan.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Jose S. Gutierrez, Jr. ang lider  na si  Madji Jumdani, 38 anyos, lider ng Majie Drug Group; at mga tauhan nitong sina Abdul Hawari, 32 anyos; Jeordana Cruz, 25 anyos at Trixie Ortegeuza, 19 anyos at pawang mga residente sa Purok 6B, Muslim Area, Barangay Calapacuan, Subic, Zambales;

Sina Jumdani at mga kasamahan  nito ay nadakip ng pinagsanib na puwersa ng PDEA Regional Office 3 (PDEA RO3) sa pamumuno ni Director Roybel Sanchez at mga miyembro ng Zambales PNP sa isinagawang entrapment operation sa Sitio Matangib, Barangay Cawag, Subic, Zambales, matapos nilang bentahan ng shabu ang isang PDEA poseur-buyer.

Matapos silang kapkapan, nakuhanan pa sila ng karagdagang tatlong sachet ng shabu at mga drug paraphernalia, isang pangarerang Bangka at dalawang paltik na .22 caliber rifles.

Ani Gutierrez ang mga suspek ay nasa Order of Battle ng PDEA na matagal na nilang sinusubaybayan.

Kinasuhan na ang mga nahuling suspek ng paglabag sa Section 26 (Conspiracy) in relation to Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) at Section 12 (Possession of Paraphernalia), ng  Article II ng  Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply