Drug suspects maaari nang agad makalaya

PINAPAYAGAN na ng Department of Justice ang mga drug suspects na agad namapalaya sa kanilang pagkakabilanggo matapos maglabas ng bagong panuntunan sa pagsasailalim sa automatic review ng mga kasong may kinalaman sa illegal drugs.

Ang nasabing panuntunan ay sa pamamagitan ng Department Circular No. 012 na pirmado ni Justice Secretary Leila de Lima.

Sa ilalim ng circular, maaari nang hilingin na mapalaya ang isang respondent habang nakabimbin pa ang resulta ng automatic review maliban na lamang kung siya ay nakakulong dahil sa ibang kaso.

Ang isang respondent noon na nahaharap sa kasong iligal na droga ay hindi pinapayagang makalaya hanggang hindi pa napapagtibay sa automatic review ang dismissal ng kanyang reklamo.

Ang pagpapalabas din ng resolusyon sa mga kaso ng iligal na droga na isinailalim sa automatic review ay pinaikli sa 30 araw mula sa dating 60 araw.

Ayon kay De Lima, layunin ng bagong panuntunan na maresolba agad ang mga kaso ng iligal na droga nang hindi naman nakokompromiso ang karapatang pantao.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply