DTI sa mga mamimili: Bumili ng maramihan

PINAYUHAN ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga magulang na bumili ng maramihan para makatipid sa pagbili ng school supplies ngayong nalalapit na ang pagbubukas ng klase sa eskwela.

Ayon kay DTI Bureau of Trade Regulation and Consumer Protection Director Victorio Dimagiba, mas makakamura ang mga magulang kung maramihan na ang bibilhin tulad ng mga lapis, ballpen, notebook at
ibang school supplies.

Kasabay nito, sinabi ni Dimagiba na makikipagtulungan ang ahensya sa Food And Drug Administration (FDA) para suriin ang kalidad ng mga school supplies sa mga pamilihan gaya sa Divisoria.

Ito ay upang matiyak na hindi nagtataglay ng mga kemikal ang mga school supplies na nakasasama sa kalusugan ng mga estudyante, lalo na ng mga bata.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply