Dumarami ang nagugutom

MARAMI ang pinagkakaabalahan ni Boss sa Malakanyang.

Pero tila namberwan dito ang pakikipagtumbang preso nito sa kanyang mga karibal sa pulitika.

Sina Aling Gloria, si Mang Atong Corona, si Big Mike at kakosa ng mga ito.

Dahil dito, patuloy yata nitong binabalewala ang mga problema na mas gusto ni Juan na harapin sana ni Boss.

oOo

Sinasabi natin ito dahil sa magkasunod na sarbey na dumarami ang mga nakararanas ng gutom.

Sabi ng Social Weather Station, tumaas ang bilang ng mga nakararanas ng paminsan-minsang gutom mula sa 4.5 milyong pamilya sa 4.8 milyong pamilya noong Marso kumpara noong Disyembre.

Lumaki rin ang bilang ng mga nagsasabing sila’y mahihirap mula sa 9.1M pamilya sa 11.1M pamilya.

Ang mga halos araw-araw na nagugutom naman ay lumaki ang bilang mula sa 1.2M pamilya mula sa nasa 955,000 pamilya.

Akala ko ba, kung walang korap, walang mahirap?

Ano ang nangyari at habang sinasabi ng Malakanyang na nagigiba na ang mga korap, eh, dumarami naman ang mga naghihirap at nagugutom?

oOo

Dapat na pag-aralan ng husto nina Boss sa Malakanyang ang nagaganap na ito.

Por syur, hindi epektib itong bilyon-bilyong palimos at palugaw ni Inday Dinky Soliman.

May malalalim na dahilan ng taghirap at tag-gutom sa repablik ni Juan at hindi nadaraan sa palimos at palugaw.

Hindi rin nadaraan sa islogan na “kung walang korap, walang mahirap.”

May mungkahi, Suki, si Juan.

Tanggalin na ang expanded value added tax sa langis, kuryente, tubig, toll, doktor atbp.

Lumikha ng trabaho nang hindi kontraktuwal at ibaba ang presyo ng mga bilihin.

Habang meron ang mga ‘to, kent apord at  ‘alang pambili si Juan ng tsibug at iba pa niyang pangangailangan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply