Dyip, AUV sinalpok ng bus sa Kyusi: 5 sugatan

LIMA katao ang nasugatan makaraang banggain ng pampasaherong bus ang isang pampasaherong jeep at Asian utility vehicle (AUV) sa eastbound lane ng Commonwealth Avenue sa Tandang Sora, Quezon City.

Nabatid na nasugatan din sa naturang banggan ang driver ng UV Express service na si Ansari Dediculan at mga pasaherong sina Michael Shain Verde, 18, at Mirasol Quilicol.

Nabatid na dumire-diretso ang Fermina Express bus (TXJ 886) sa highway kahit red light na hanggang sa masagi nito ang AUV (UVH 961) at ang jeep na minamaneho naman ng isang Joel Corpuz.

Agad namang isinugod sa FEU Hospital ang mga biktima habang hawak ng aawtoridad ang bus driver na si Morales Macario.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply