Dyip nagdayb sa bangin, 18 todas

PATAY agad ang 18 pasahero matapos mahulog sa bangin ang kanilang sinasakyang Amianan passenger jeepney sa Bontoc, Mt. Province, Baguio City kaninang hapon.

Sa imbestigasyon, lumalabas na aabot sa mahigit 100 metro ang taas ng bangin na pinaghulugan ng pampasaherong sasakyan (ACZ 135) na may sakay na 30 katao.

Nabatid na papuntang Brgy. Dalican ang dyip nang sa hindi malamang dahilan ay bumulusok ito sa Upper Balikyan, Bontoc at dumausdos sa ilog.

Hinala naman ng pulisya na hindi kinaya ng dyip ang dami ng pasahero dahilan para mahirapan din ang driver na kontrolin ang brake at manibela.

Ginagamot pa ang 12 pasahero na sugatan sa aksidente.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply