E-wedding inilunsad sa Taguig

SA PAMAMAGITAN ng Internet, isa na namang bagong serbisyo publiko ang inilunsad ng pamahalaang lungsod ng Taguig noong Biyernes sa modernong proyekto nito na pinangalanang e-Wedding.

Sa e-Wedding, binago ng Taguig ang ilang bahagi ng tradisyonal na “Kasalang Bayan” sa pamamagitan ng pagpapalabas ng live video ng wedding ceremony sa Internet.

Ang e-wedding ay isinaproyekto bunsod na rin ng matagumpay na e-graduation kung saan ang mga video ng naganap na graduation sa mga pampublikong paaralan sa Taguig ay ipinakita ng live sa Internet.

Magugunita na sinabi ni Mayor Laarni L. Cayetano na ginawa ang e-graduation upang mabigyan ng pagkakataong mapanood ng mga magulang o kamag-anak ng mga nagtatrabaho sa ibang bansa ang mahalagang okasyon ng kanilang mga mahal sa buhay.

Ang konsepto ng e-wedding ay kahawig e-graduation kung saan ay mapapanood din sa Internet tulad ng nangyaring kasalang bayan na ginanap kamakailan sa auditorium ng Taguig City University.

Napanood ng ilang mga kamag-anak ng may 146 pares na ikinasal ang seremonya sa pamamagitan ng pag-clik sa link na nasa opisyal na website ng Taguig: www.taguig.gov.ph. Maaaring mapanood din ang replay ng video.

Samantala, binigyang-kasiyahan ni Mayor Lani ang mga ikinasal nang magbigay ito ng mga sacks of rice para sa mga nahirang na “Oldest Couple,” “Best-Dressed Couple,” at “Early Bird” sa seremonyang ginanap sa auditorium ng Taguig City University.

Ang libreng kasalang bayan ay bahagi ng City Ordinance No. 72 Series of 2009 at ito ay isinasagawa sasapit ang Foundation Day at Cityhood Anniversary ng Taguig.

Bukod sa walang bayad sa kasal, makatatanggap din ng libreng flower bouquet para sa bride, boutonniere naman sa groom; at wedding arras, candles, souvenir cake at maging souvenir photos ang mga ikinasal.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply