Ebidensyang hawak ng Ombudsman matibay

MATIBAY diumano ang mga ebidensyang pinanghahawakan ng Ombudsman para tuluyang ma-impeach si Chief Justice Renato Corona.

Inamin ni House Speaker Feliciano “SB” Belmonte na nagsumite ang Ombudsman ng report nito sa Kamara ukol sa isinagawang imbestigasyon kay Corona base sa mga reklamong naisampa sa anti-graft body.

Ayon sa Speaker, mga tauhan ng Ombudsman ang nagdala sa kanyang bahay ng kopya ng report noong Biyernes kasama ang makakapal na dokumento ng annexes at ebidensyang nakuha laban kay Corona.

Hindi aniya nagka-interes si Belmonte na basahin ang report kaya nitong Lunes ay ipinabasa niya ito agad kay Majority Leader Neptali Gonzales.

Sinabi naman ni Gonzales na lumalabas sa report na mahigit P642 milyon ang hindi maipaliwanag na salapi ng mga Corona samantalang kung susumahin ay hihigit lamang sa P300 milyon ang ligal na kayang kitain ng mag-asawang Corona mula 2003 hanggang Pebrero 2012.

Sa mahigit aniyang P642 milyon na hindi maipaliwanag na salapi ni Corona, kasama na dito ang natuklasang diumano’y $12 million na umikot sa mga accounts ng punong mahistrado na natuklasan ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) at pati na ang mahigit P200 milyon.

Labas naman sa halagang ito ang iba pang real property assets ng mga Corona na hindi deklarado sa statement of assets, liabilities and net worth (SALN).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply