Egay, Oca at Rj sa Caloocan

ANG Caloocan ay isang lugar sa Metro Manila na laging sentro ng talakayan sa media dahil sa masalimuot na takbo ng pulitika.

Hindi makahinga ang lungsod sa kotrobersya dahil sa ‘di pagkakaunawaan at pagkawatak-watak ng mga nakaupong lider.

Dahil walang pagkakaisa, (No offense meant sa mga naging lider at kasalukuyang lider ng lungsod) ang Caloocan ay napag-iwanan na.

Sa isang local government unit na nag-aaway ang mga nakaposisyon at binabalot ng kontrobersya, tiyak  may problema.

At bakit nga ba ganito ang nangyayari sa isa sa dating sikat, pinakamaunlad na siyudad sa buong bansa?

Kung pagbabasehan ang komento ng political experts, ‘The right leaders at the right time’, anila ang kulang sa Caloocan.

Giit nila, ‘di hustong kamalayan sa pagpili sa tamang leaders ang ugat ng pagkabigo ng mga taga-Caloocan sa  mga naipupuwestong pulitiko.

Malapit na ang May 2013 election at pipiliin na naman ng mga taga-Caloocan ang kanilang mga mayor at iba pa.

Suhestiyon ng mga dalubhasa sa pulitika, isaalang-alang ng mga botante sa pagpili ng kanilang susunod na mga lider ang 3 ‘K’.

Ang ‘KKK’ – (Kaalaman, Kakayahan, Katapatan) ay mga katangian na dapat manaig sa mga mapipiling alkalde, at iba pa.

Kapag ang mga mananalong kandidato, lalo na ang mapipiling mayor ay may ‘KKK’, aba’y sigurado ang asenso ng lungsod.

Sa Caloocan, matunog na tatakbo sa pagka-alkalde  ang dating congressman at ngayo’y Vice Mayor Edgar ‘Egay’ Erice.

Ganundin si dating Vice mayor at ngayo’y Cong. Oscar ‘Oca’ Malapitan at Liga President/Coun. Rico Judge Echiverri.

Sino ba kina ‘Egay’, ‘Oca’ at ‘RJ’ ang may sapat na kaalaman, kakayahan at katapatan (KKK) kapag naging mayor  ng Caloocan?

Sana nama’y sa darating na halalan, ‘di na muling mabibigo ang mga taga-Kankalo sa kanilang mapipiling lider.

Dahil sa kanilang ‘intelihenteng’ desisyon (kung sino ang tamang mailuluklok) nakasalalay ang kinabukasan ng Caloocan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply