Election-related violence tumataas na

NANGANGAMBA ang isang Obispo ng Simbahang Katoliko dahil bagamat matagal pa ang pagdaraos ng May 2013 elections, ngayon pa lamang ay tumataas na ang kaso ng election-related violence at political killings sa mga lugar na madalas maganap ang political war at may private armies.

Kaugnay nito, umapela sa pamahalaan si Sorsogon Bishop Arturo Bastes na panatilihin ang peace and order situation sa bansa para matiyak ang mapayapang pagdaraos ng midterm polls sa susunod na taon.

Reaksiyon ito ni Bastes kasunod nang naganap na pagpatay sa bise alkalde ng Capiz kamakailan.

Kasabay nito, iminungkahi pa ng Obispo na ngayon pa lamang ay dapat nakalatag na ang contingency plan ng mga kinauukulan upang maiwasan ang karahasan o kaguluhan tuwing nalalapit at pagkatapos ng halalan.

Umaapela rin si Bastes sa mga pulitiko na pairalin ang moralidad at huwag gumamit ng dahas para lamang matiyak na mananalo sa halalan.

Pinayuhan din nito ang mga pulitiko na hayaang magdesisyon ang mga botante kung sino ang kandidato na nais nilang iboto at huwag daanin sa pananakot.

“Let the people decide to vote kung sino ang gusto nilang iboto at huwag sa pananakot!” dagdag pa ni Bastes.

Una nang nagpalabas ng P600,000 na pabuya o reward money ang lokal na pamahalaan ng Capiz sa sinumang makapagtuturo sa killer upang malutas ang kaso ng pamamaslang kay Mambusao Vice Mayor Abel Martinez.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply