Ellen Adarna nasa top 5 na ngayon ng FHM Sexiest Women

NANG nakausap namin si Ellen Adarna sa set ng Bubble Gang tungkol sa pa-party ng mga kaibigan niyang sumusuporta sa pagboto sa FHM para maging Sexiest Woman ng 2012, nasabi niyang nagugulat siya sa response ng mga supporter niya sa pagpaimbulog ng boto niya sa FHM. Kung tutuusin, nakilala lang siya ng fans sa Bubble Gang bilang member ng Bubblets kasama sina Sam Pinto, Gwen Zamora at Jackie Rice. Sa apat ay tanging siya lang ang hindi pa nakagagawa ng movie.

Ani Ellen: “Para sa akin ay hinay-hinay lang pagdating sa acting. Pero may sisimulan na akong indie film na horror movie. Ngayong June ko gagawin ang film at natutuwa ako’t nagtiwala agad sa akin ang producer at director ng horror film.”

Ambisyon din ni Ellen na maging main cast ng isang soap opera. So far ay hanggang guesting palang siya at huli niyang nilabasan ang Biritera kung saan tuwang-tuwa si Direk Maryo J. delos Reyes sa kanyang beauty at pagiging natural actress.

Ngayong Friday sa Bubble Gang ay aabangan pa rin ang nakatutuwang portion ng Boy Pick Up ni Ogie Alcasid na ngayo’y pelikula na. Naniniwala si Ogie na kapag ipinalabas sa June 6 ang movie ay susundan ito ng mahilig manood ng Bubble Gang dahil punung-puno ng katatawanan ang movie. Kung na-amuse raw ang marami sa portion ng BG, ito naman ay full length ang katatawanan.

***

Will Devaughn sasabak na sa bagong soap ng GMA na ‘Faithfully’

KUNG si Mike Tan ay ginawa na ng GMA bilang fullfledged leading man, hindi rin pahuhuli ang Pinoy-American actor na si Will Devaughn na kasama na rin bilang lead star sa bagong afternoon soap na “Faithfully” na malapit nang ipalabas ngayong June sa Kapuso network.

Makakasama ni Will na bida ay sina Mike Tan, Maxene Magalona at Michelle Madrigal.

Galing sa ABS-CBN si Will na umaasam na mas mapapansin at mabibigyan ng big break sa GMA.

Bago sumabak sa showbiz si Will ay kilalang commercial model siya at isa sa mga image models ng Jag jeans. Last week nga’y rumampa siya sa Fashion Week na ginagawa sa SMX.

Nakasama ni Will na rumampa si Shamcey Supsup. Si Shamcey ang image model ngayon ng Jag. Marami ang humanga kina Will at Shamcey nang rumampa. Outstanding kasing talaga ang kanilang paglakad, particularly ang dating Bb. Pilipinas na nakilala sa kanyang tsunami walk.

000

Jennica Garcia hindi pa pumapasok sa isip ang pag-aasawa

MATITINDING karelasyon sa pag-ibig ang maagang dumating sa buhay ni Jennica Garcia. Nung siya’y 18 years old lang ay nagkaroon siya ng sweet relationship kay Mark Escudero, ang StarStruck 4 runner up na ngayo’y lumipat na sa TV5. Ngayo’y si Alwyn Uytingco na ang kanyang boyfriend pero malayo pa sa vocabulary niya ang salitang pag-aasawa.

Pero, hindi naging maganda ang nangyari sa relationship nila ni Mark. Hanggang nagkahiwalay silang dalawa at lumipat ito sa ibang network nang natapos ang kontrata sa GMA.

Sa interview kay Mark, may mga hindi magagandang pahayag ang binata sa dalaga sa kanilang paghihiwalay pero ‘di na pinapansin ito ngayon ni Jennica. Bagkus, sinabi ng dalaga na hindi niya kinu-consider si Mark na boyfriend niya. Ang first boyfriend lang niya ay si Alwyn. Mahigit nang dalawang taon ang kanilang relasyon.

Ani Jenica sa presscon ng “Kasalanan Bang Ibigin Ka?”: “Iba kasi ang relasyon namin ngayon ni Alwyn dahil malalim ito at marami kaming pinag-uusapan na talagang sa dalawang may relasyon.”

Natutuwa si Jennica sa magandang role na ibinigay sa kanya ng GMA sa Kasalan Bang Ibigin Ka? dahil mag-aagawan sila ni Jackie Rice sa pag-ibig ni Geoff Eigenmann. So far, enjoy siya sa mga challenging roles na ibinibigay sa kanya ng network.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply