Empleyado ng DSWD tiklo sa shabu

ISANG 28-anyos na empleyado ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang inaresto ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) matapos bentahan ng shabu ang isang poseur-buyer sa isinagawang entrapment operation sa Oriental Mindoro.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Jose S. Gutierrez Jr. ang suspek na si Milan Carlo F. delos Reyes, 28, contractual employee ng DSWD field office sa Calapan City at residente sa Block 6, Barangay Santa Maria Village, Calapan City, ng lalawigan.

Batay sa ulat, si Delos Reyes ay nadakip noong umaga ng Mayo 27, 2012, habang nakikipagtransaksyon sa poseur-buyer ng PDEA sa Barangay Santa Maria Village.

Nang kapkapan ng mga operatiba si Delos Reyes, nakuhanan ito ng shabu.

Nakuha rin sa suspek ang isang unit ng mobile phone at isang Yamaha RS 100 motorcycle (VO1738) na ginagamit nito sa operasyon.

Lumitaw sa imbestigasyon na isang kilabot na tulak ng iligal na droga si Delos Reyes, na may mga runner na responsable sa pagkakalat ng shabu sa lungsod ng Calapan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply