Empleyado ng US embassy nabiktima ng salisi gang

NADALE ng salisi gang ang isang empleyado ng United States Embassy matapos tangayin ang kanyang cash at mga kagamitan habang nakaparada ang kanyang sasakyan sa parking area ng Harison Plaza sa Vito Cruz, Maynila.

Personal na dumulog ngayong umaga sa tanggapan ng Manila Police District (MPD)-General Assignment Section (GAS) ang biktimang si Richard “Scott” Hewit, 51, Information Management Officer ng US Embassy para ireklamo ang dalawang lalaki na hinala niyang nagsabwatan para makuha ang kanyang “bill fold” na naglalaman ng P5,000 at Phil. driver license at iba pang dokumento.

Sa report ni PO3 Gilbert Isole ng MPD-GAS, dakong 10:00 ng umaga nang naganap ang insidente sa parking area ng Harisson Plaza sa Vito Cruz, Manila.

Sa pahayag ng biktima, nilapitan siya ng isa sa suspek na pormang parking attendant at sinabihang may damage ang harapang bahagi ng kanyang kotse.

Ininspeksyon naman ng biktima ang sinasabing damage nang bigla umanong pumasok sa loob ang isa pang suspek at nag-alok na paandarin ang sasakyan.

Huli na nang madiskubre ng biktima na nawawala na ang kanyang bill fold na naglalaman ng nasabing halaga ng pera at mga dokumento.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply