Abusadong employer inireklamo ng 10 OFW sa Taiwan

INIREKLAMO ng ng pang-aabuso ng sampung overseas Filipino workers (OFW) ang kanilang employer sa pinagtatrabahuhang glass company sa Taiwan.

Batay sa reklamo ng mga manggagawa, pinipilit sila ng kanilang employer na magtrabaho ng hanggang sa 12 oras kada araw sa mainit na lugar na umaabot sa 60 degrees Celsius ang temperatura.

Maliban sa halos 12 beses kada buwan pinapalitan ang kanilang shift sa trabaho, hindi rin umano sila binabayaran ng overtime pay at maging ang pay slips ay hindi nakasulat sa lenggwaheng kanilang naiintindihan.

Hindi rin maayos ang kalagayan ng kanilang tirahan at hawak din ng employer ang kanilang passport na pinangangambahang hindi na ibigay ang dokumento.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply