Erap maglilipat ng rehistro sa Comelec

INANUNSYO kahapon (Mayo 9) ni dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada na magsusumite na siya sa tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) ng kanyang transfer of residency ngayon.

Ayon kay Manila Vice Mayor Isko Moreno, nakatakdang pumunta ngayon sa Comelec ang dating Pangulo para asikasuhin ang paglilipat ng rehistro bilang botante mula sa San Juan patungong Maynila.

Ngunit bago ang gagawing paglilipat ng rehistro kailangan munang magbayad ng cedula ang dating Pangulo sa Manila City Hall kung saan siya sasalubungin ng ilang konsehal ng lungsod.

Ang dating Pangulo ay lumipat sa kanyang bagong bahay sa Sta. Mesa Maynila kahapon.

Sakay ng “Jeep ni Erap” ay lumipat ang dating Pangulo mula San Juan patungong Sta. Mesa Maynila.

Masaya namang winelcome ng mga kapitbahay ang dating Pangulo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply