Erap nilisan na ang bahay sa San Juan

NILISAN na ni dating president Joseph Estrada ang kanyang tahanan sa San Juan City upang manirahan na sa Sta. Mesa, Maynila kaninang umaga.

Ayon sa report ng dzBB, personal na minaneho ni Erap ang kanyang dyip na may tatak na “Jeep ni Erap”  mula sa kanyang bahay sa North Greenhills patungo sa bagong bahay sa Maynila.

Umalis ang convoy sa lumang tahanan sa San Juan City bandang alas-10:00 ng umaga kasama ang kanyang maybahay na si former First Lady at Senador Luisa Ejercito, at Manila Vice Mayor Francisco Domagoso a.k.a. Isko Moreno.

Una nang napaulat na nakatakda umanong tumakbo sa pagka-mayor si Erap sa lungsod ng Maynila sa darating na elekyon kung saan sinasabing si Moreno ay kanyang runningmate ngunit hindi pa ito kinukumpirma ng dalawa.

Maraming supporters ang nagtipon sa bagong bahay sa Sta. Mesa upang salubungin si Estrada.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply