Eroplano ng PAF nag-crash sa dagat; 2 piloto hinahanap

HINAHANAP na ng mga awtoridad ang dalawang pilotong sakay ng bumagsak na eroplano ng Philippine Air Force (PAF) sa karagatang sakop ng Mariveles, Bataan kaninang umaga.

Ayon kay PAF spokesman Col. Miguel Ocol, dakong alas-6:30 kaninang umaga nang mag-take off sa Sangley point sa Cavite ang isang SF-260 single plane ng PAF.

Ang naturang eroplano ay nagsagawa ng proficiency flight sa Corregidor, Sangley Point at Bataan, ngunit pagkatapos ng flying time ng eroplano ay hindi na ito nakabalik.

Nakatanggap ng impormasyon ang PAF mula sa Philippine Coast Guard na may mga mangingisdang nakakita sa isang eroplanong bumagsak sa karagatan ng Mariveles, Bataan.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply