Erwin, Raffy at Ben pinagalitan ni Mon

PINAGSABIHAN ni Ramon “Mon” Tulfo ang kanyang mga kapatid na sina Erwin, Raffy at Ben matapos na bantaan ang mga nakaaway na sina Raymart at Claudine Barretto-Santiago sa kanilang programa.

Ayon kay Mon sa isang panayam sa telebisyon, mali ang naging reaksyon ng kanyang tatlong kapatid.

Pagkatapos umano niyang pagalitan ang tatlo ay na-realize umano ng mga ito ang kanilang pagkakamali.

Sa mga oras na ito ay nakahingi na rin ng paumanhin ang magkakapatid at sinabi na bugso lamang ng damdamin dahil tingin nila ay naagrabyado ang kanilang Kuya Ramon.

Pero sinabi ni Mon na itutuloy niya ang demanda para matuto ang showbiz couple at hindi na umano gawin sa iba.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply