Mga eskwelahan, boarding houses iinspeksyunin ng BFP

MAG-IINSPEKSYON sa mga paaralan, boarding houses at dormitories ang Bureau of Fire Protection (BFP) sa buong region 10.

Ang inspeksyon ay isasagawa bago magbukas ang eskwela sa Hunyo para matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral.

Sinabi ni Supt. Lynde Lauzon, regional director ng BFP-10 na ito ang bahagi ng kanilang tanggapan sa Oplan Balik Eskuwela program.

Ayon kay Lauzon, nagbigay na siya ng kautusan sa mga fire marshals sa rehiyon kaugnay sa pagsasagawa ng regular at pinaigting na inspeksyon sa mga boarding house lalo na sa mga hindi deklaradong boarding house.

Susuriin din ng ahensya kung naka-comply ba ang mga building sa Fire Safety Code.

Kaugnay nito, hinikayat ng BFP ang mga may-ari ng mga boarding house na maglagay ng common cooking area at huwag pabayaang magluto sa kanilang mga kwarto ang mga boarder upang makaiwas sa sunog.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply