Estribo gang kumasa sa parak, 1 lagas, 1 tiklo

NALAGAS sa bakbakan ang isang miyembro ng kilabot na Estribo gang habang isa naman ang nadakip nang kumasa sa pulisya kaninang umaga sa Quezon City.

Dead on the spot sanhi ng tinamong tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan ang suspect na nakilala lamang na Alyas Jeffrey Bata habang ang nadakip naman ay si Elmer Sahagun na kapwa miyembro ng nasabing gang.

Dalawa naman sa mga kasamahan ng napatay na mga suspect ang nakatakas at tinutugis na ngayon ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD).

Sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng QCPD, naganap ang insidente dakong ala 1:30 ng madaling araw sa Timog flyover.

Ayon sa bus driver na si Alfredo de Lara bago, sumakay sa kanyang bus ang mga suspect sa may Cubao pero pagsapit sa nasabing flyover ay nagdeklara ng panghoholdap.

Binagalan naman ni De lara ang pagmamaneho hanggang sa mapansin ng mga nagpapatrolyang pulis ang komosyon sa loob ng kanyang sasakyan na humantong sa maikling palitan ng putok.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply