Ex-Chief Justice Renato Corona

MAKARAANG iboto ni Manong Johnny Enrile si Chief Justice Renato Corona na guilty sa ‘di pagdedeklara ng yaman sa publiko, pinal nang idineklara ang huli na sibak na sa puwesto.

Kaya ngayon pa lang ay pupwede nang tawagin si Corona na ex-Chief Justice.

Wala man siyang kasalanan o wala man siyang ninakaw sa bayan.

oOo

Maging aral sana sa lahat ng mga opisyal at tauhan ng gobyerno ang nangyari kay ex-Chief Justice.

Katotohanan na dapat silang magbukas ng lahat ng kanilang mga yaman at ari-arian bago at matapos silang magserbisyo sa publiko.

Dapat na lantad ang lahat sa mata ni Juan at kung hindi ay impitsmen ang aabutin nila.

Kaya lang, sino-sino sa mga nasa pamahalaan ang maaasahang hindi tutulad kay Corona na naglihim ng kanyang mga kayamanan?

Sa hanay ng mga nagsakdal sa kanya, sino ang katulad at hindi katulad ni Corona?

oOo

Upang maging makatotohanan at tunay na magiging bukas sa publiko ang mga yaman at ari-arian ng mga onorabol na ito, hindi kaya maganda na sa media taon-taon ilabas ang mga rekord dito.

‘Yung Statement of Assets, Liabilities and Net  Worth lalo na dapat na ilabas sa publiko sa pamamagitan ng media.

Ito’y para maikumpara mismo ni Juan ang nilalaman ng SALN sa nakikita ng dalawa niyang mata at naaamoy na rin.

Kung minsan kasi, Suki, pumapalya ang mata kaya kinakailangan ang pang-amoy sa alingasaw mula sa nakatagong baul ng mga onorabol.

O kayong mga onorabol, gawan na ng batas ang mungkahi natin at nang masimulan na ang pagbusisi sa SALN.

May matitira kaya sa puwesto ng mga onorabol?

Hehehe!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply