Ex-DOTC chief Mendoza naghain ng ‘not guilty plea’

NAGHAIN ng not guilty plea si dating Transportation Secretary Leandro Mendoza sa kasong graft and corruption kaugnay sa naudlot na $329.49 million NBN-ZTE deal.

Dumalo si Mendoza sa arraignment kaninang umaga sa Sandiganbayan na naka-wheel chair.  Sa ngayon ay hindi pa nakapagsasalitang mabuti si Mendoza kaya isinenyas ang plea sa kanyang abogado na si Alexander Poblador.

Bukod kay Mendoza, nahaharap rin sa kasong botched deal sina dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Arroyo, dating  First Gentleman Jose Miguel Arroyo, at dating Commission on Elections Chairman Benjamin Abalos.

Itinakda ang pretrial conference sa Hunyo 4.

Kasalukuyang nasa under hospital arrest si Mrs. Arroyo sa Veterans Memorial Medical Center sa Quezon City sa kasong electoral fraud. Si Abalos naman ay nakaditine sa Southern Police District headquarters sa Taguig City sa parehong kaso.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply