Ex-FG nakalabas na ng bansa ngayong umaga

NAKALABAS na ngayon ng bansa si dating Fisrt Gentleman Mike Arroyo sakay ng Cathay Pacific flight cx-904 patungong Japan.

Ayon sa mga airport authority, dakong alas-6:33 kaninang umaga mag-isa lamang umanong pumasok ng departure area ang dating Unang Ginoo, at siya na mismo ang nagdala ng kanyang mga bagahe papasok ng eroplano.

Nabatid pa na mag-aalas-4:00 pa lamang ng madaling araw ay nasa loob na ng NAIA terminal 1 si Arroyo ngunit tahimik lang ito at hindi nasundan ng hanay ng media nang ito ay makaalis ng bansa.

Nauna nang napaulat na patungong Japan si Ginoong Arroyo para bisitahin ang mga kababayan nating manggagawa at negosyante doon na susundan naman ng bakasyon sa Hong Kong.

Magugunitang pinayagan ng Sandiganbayan na makabiyahe si G. Arroyo para sa kinakailangan nitong pahinga.

Una na ring tiniyak ng kampo nito na hindi tatakasan ng dating First Gentleman ang kasong kanyang kinakaharap.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply