Ex-Gen. Palparan, 3 pa pinatutugis ng CIDG

IKINASA muli ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang isang special task force para tugisin ang apat na malalaking personalidad na wanted sa batas.

Ayon kay CIDG chief Director Samuel Pagdilao Jr., kinuha niya ang serbisyo ni Senior Superintendent Keith Emald Singian, CIDG deputy director for operations, para pamunuan ang nasabing special task force na titiyak sa pagdakip  kina ex-Army Gen. Jovito Palparan, dating Palawan Governor Joel Reyes at ang kapatid nitong si Coron Mayor Mario Reyes, at si Dinagat Island Rep. Ruben Ecleo Jr., na mas kilala sa tawag na “Big Four.”.

Inatasan ni rin Pagdilao Jr. ang lahat ng regional at provincial chiefs para matiyak ang pagdakip sa iba pang pugante at makilala ang mga nagbibigay ng proteksyon at financial support sa kanila.

Sinabi ni Pagdilao na ang pag-aresto kay Palparan, at sa magkapatid na Reyes at Ecleo ang pangunahing prayoridad ng CIDG commanders.

Sa kabilang dako, sinabi ni Pagdilao na ang CIDG operatives sa Caraga region, ay siyang naatasang maghanap kay Ecleo, na pinaniniwalaang nasa Dinagat Island.

Umepala rin si Pagdilao sa mga indibidwal na may simpatiya o nagbibigay ng tulong kay Palparan, at sa 2 Reyeses at Ecleo na hikayatin ang apat na sumuko na lamamg at patunayan na sila ay inosente sa korte.

Kinasuhan si Palparan ng kidnapping at illegal detention sa pagkawala ng dalawang UP student, ang  Reyes siblings naman ay wanted sa pagpatay sa broadcaster Gerry Ortega, habang si Ecleo naman ay napatunayantg nagkasala ng parricide sa pagpatay sa kanyang asawa.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply