Ex-Isabela Gov. Padaca ipinaaaresto na

IPINAAARESTO na ng Sandiganbayan si dating Isabela Governor Grace Padaca dahil sa kasong katiwalian.

Kanina ay nilagdaan na ni Associate Justice Roland Jurado, Chairman ng 5th Division ng Sangiganbayan ang arrest warrant laban kay Padaca kaugnay  sa kasong malversation of public funds at graft and corruption.

Gayunman, pinayagan ng Sandiganbayan si Padaca na makapagpiyansa ng P40,000 para sa kasong malversation at P30,000 para sa graft case .

Pinadalhan na ng kopya ng arrest warrant ng korte ang PNP Isabela, NBI Region 2 at maging ang hepe ng PNP Ilagan, Isabela para ipatupad ang nasabing kautusan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply