Ex-PGMA hindi bibigyan ng pardon ni PNoy

SAKALING mapatunayang guilty, hindi bibigyan ng pardon ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino si dating Pangulo at ngayoy Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Ayon sa pahayag ni Pangulong Aquino, walang aasahang pardon si Arroyo sakaling mapatunayang nagkalasa sa mga kasong kinakaharap nito.

Sinabi pa ni Pangulong Aquino, na sa kanyang palagay, posibleng hindi papayag ang mga Filipino na mapagkalooban ng pardon si Arroyo at
gagawa ng kaukulang hakbang batay sa kagustuhan ng kanyang constituents.

Si Arroyo ay nahaharap sa kasong ‘electoral sabotage’ at patuloy na dinidinig sa Pasay City Regional Trial Court (RTC) na naging dahilan
kaya ito nakakulong.

Bukod dito, nahaharap din ang dating Pangulong Arroyo sa kasong katiwalian na nakasampa sa Sandiganbayan kaugnay ng anomalya sa NBN-ZTE deal.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply