Ex-PGMA magpapasuri sa puso

NAKATAKDANG magpa-check-up sa puso si dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo sa Makati Medical Center sa Huwebes (Mayo 10).

Ayon kay Atty. Rey Santos, isa sa mga abogado ng dating Pangulo, nagpasabi na sila sa Pasay City Regional Trial Court (RTC) hinggil sa nasabing “cardio check up” ni Ginang Arroyo na una nang inaprubahan ng Korte.

Sa isang manifestation na inihain sa sala ni Pasay City Regional Trial Court (RTC) Judge Jusus Mupas ng Branch 112 na humahawak sa electoral sabotage case ni Arroyo, sinabi ng abogado ni Atty. Santos na itutuloy na nila sa Huwebes ang naunang inaprubahan ng korte na isang araw na pagpapa-check-up ng kongresista para maipasuri ang madalas na paninikip ng dibdib nito.

Nakasaad dito na lalabas si Arroyo ng Veterans Memorial Medical Center (VMMC) sa Quezon City, para sa kanyang check-up na magsisimula ng alas-8:00 ng umaga.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply