Ex-police pinatay habang nagbibisikleta

ZARAGOZA, Nueva Ecija – Patay ang isang retiradong miyembro ng Philippine National Police makaraang pagbabarilin ng dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo habang nagbibisikleta sa Barangay Sto. Rosario Old, kahapon ng umaga, Mayo 19.

Kinilala ang biktima na si Napoleon Paraton, 48, ng Barangay Sto. Rosario Old, dating pulis na nag-early retirement at minsang nagsilbing municipal councilor sa nabanggit na bayan.

Sa imbestigasyon, hindi pa gaanong nakalalayo ang biktima sa pagbibisikleta mula sa kanilang bahay nang biglang barilin ng dalawang lalaki na kapwa naka-helmet at sakay ng itim na motorsiklo.

Nagawa pang humingi ng saklolo ng biktima sa mga kalapit na residente sa naturang lugar matapos mabaril pero hindi rin umabot nang buhay sa pagamutan.

Inaalam na ang motibo sa krimen at pagkakilanlan ng mga suspek na agad tumakas matapos ang pamamaril.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply