Ex-president Estrada botante na ng Maynila

BOTANTE na ng lungsod ng Maynila si dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada matapos na magsumite ng kanyang transfer of residency sa Commission on Elections (Comelec) kaninang umaga.

Mula sa City Hall ng Maynila kung saan siya kumuha ng sedula, ay naging mainit naman ang pagtanggap ng ilang mga residente ng Maynila sa dating Pangulo na nag-abang sa kanyang pagdating at paglilipat ng kanyang rehistro mula sa lungsod ng San Juan.

Nagpahayag naman si Manila Mayor Alfredo Lim na hindi maapektuhan ang pagkakaibigan nila ng dating Pangulo kahit pa magiging katunggali niya ito sa pulitika sa susunod na midterm elections.

Si Estrada ay tuluyan nang lumipat ng kanyang bagong bahay 589 Manga St, Barangay 581 Zone 57, District 4, Sampaloc, Maynila, kahapon (Mayo 9).

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply