Ex-US military patay nang natagpuan sa hotel

NATAGPUANG patay kaninang umaga ang isang  59 anyos na dating US military serviceman  sa loob ng tinutuluyang hotel sa Ermita, Maynila.

Nakilala ang biktima na si William Machett, tubong Washington DC, USA at pansamantalang nanunuluyan sa Room 106  Ralph Anthony Suite Hotel sa kanto ng Maria Orosa  at Ingrasia Sts., Ermita, Manila.

Ayon kay PO3 Amelito Lopez ng Manila Police District (MPD)-homicide section, dakong 7:30 kaninang umaga nang nadiskubreng patay ang biktima sa loob ng kanyang tinutuluyang hotel.

Napag-alaman na dumating sa bansa ang bitkima noong May 14 at dakong 10:42 ng umaga nang nag-check in sa nasabing hotel kung saan nagbayad ng halagang P14,000 para sa kanyang 10 araw na pamamalagi.

Ayon naman kay Reden Acero, security guard, huling nakitang buhay ang biktima kaninang madaling araw   habang kumakain at nanonood ng TV sa loob ng kanyang kuwarto.

Pagsapit ng alas 7:00 ng umaga ay tinatawagan naman ang biktima ni Jennifer Diel, Receptionist ng hotel,  subalit walang sumasagot sa kanyang kuwarto kaya nagpasya ang huli na puntahan sa kanyang kuwarto.

Ayon kay Diel, nakailang katok at tawag umano siya sa harapan ng kuwarto ng biktima subalit wala pa ring sumsagot dahilan upang buksan ang pintuan ng kanyang kuwarto gamit ang duplicate key kung saan  nadiskubreng patay na ang biktima.

Gayunman,sinubukan pa ring dalhin sa Manila Doctors Hospital subalit idineklara din itong patay na.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply