Exit na Corona

MAS makaiiging magbitiw na lamang si Chief Justice Renato Corona sa kanyang pwesto bilang Punong Mahistrado kaysa matanggal pa siya sa puwesto ng impeachment court.

Ito ang dapat pag-isipan at samantalahin ni Corona dahil kung totoong may sakit siyang malubha ay pwede niya itong gamiting dahilan para magkaroon siya ng magandang paglisan sa Korte Suprema.

Maging ang pamilya ni Corona ay dapat din itong ikonsidera dahil ito na lamang ang magliligtas sa kanila sa labis na kahihiyan at paghuhusga ng buong mamamayan.

Dapat nang gamitin ito ni Corona para siya magbitiw dahil malapit na siyang husgahan ng impeachment court na alam naman nating lahat na puro may talino at angking malasakit para sa katotohanan.

Malinaw kasi sa itinatakbo ng pangyayari na lalo lamang nabaon ang Punong Mahistrado magmula nang ito ay tumestigo sa impeachment court dahil  sa kanyang mga pahayag na mayroon siyang dollar account at iba pang property na hindi niya inilagay sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth.

Siyempre bilang abogado at Punong Mahistrado  ay ininterpret niya ang batas na pabor sa kanya dahil malinaw raw sa batas na ang dollar account ay hindi obligadong ilagay sa SALN dahil protektado raw ito ng foreign currency act.

Iyon ang interpretasyon ni Corona dahil malinaw naman sa lahat kahit sa mga mangmang o bopol na ang dollar account ay isa ring asset o ari-arian na bahagi dapat ng SALN.

Dapat inilagay niya ang kanyang dollar account sa peso dahil asset at ari-arian niya rin ito na bahagi ng kanyang mandato at obligasyon bilang opisyal ng gobyerno.

Sa ngayon nasa dead end na si Corona dahil  wala na siyang patutunguhan, alam na ng bayan ang katotohanan.

Sa mga nagnanais ng pagkalinga ng pitak na ito, maaari kayong mag-email sa barangayanni_isko@yahoo.com o mag-text sa 0933-6363310.

(Erratum: Ang nakaraang kolum ng Alingawngaw ay dapat na pinamagatang BARANGAYAN SA MAYNILA KAY ISKO MORENO at hindi BANGAYAN SA MAYNILA KAY ISKO MORENO.)

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply