Exportation ng ‘dalara’ bawal na – BFAR

MULING iniutos ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang pagbabawal sa exportation ng “elvers” (dalara o igat) upang mapigilan ang mabilis na paglobo ng demand nito sa mga pamilihan sa Asya.

Ito ay matapos mabahala ang tanggapan ng BFAR sa rehiyon matapos nilang maobserbahan ang paglawak sa panghuhuli nito.

Ayon sa BFAR, resulta rin dito ang pagtaas ng presyo sa bilihan ng elvers na tinatawag din sa lokal na “dalara” lalo na sa mga dalampasigan ng Cagayan na ang presyo ay umaabot ng hanggang P2,500 noong isang taon, pero sa ngayon ay umakyat na sa P17K hanggang P28K mula Enero hanggang Marso.

Ang panghuhuli ng elvers ay ginagamitan ng isang klase ng net (tanggar) at push nets (dus dus) kung saan itinutulak ang nasabing species papunta sa mga gilid ng ilog o karagatan bago hulihin.

Pagkahuli sa mga batang igat o dalara ay dadalhin na ito sa Kamaynilaan para mai-export sa ibang bansa sa Asya na sikat ngayong delicacies sa Japan, Korea at China.

Pinaniniwalaan ng mga Koreano na ang pag-inom ng dugo ng igat o dalara ay nakapagpapalakas sa “sex drive” ng kalalakihan.

Pinangangambahan naman ni Regional Director Dr. Jovita Ayson ng BFAR RO2, na maaaring maubos ang dalara o igat at baka matulad din aniya ito sa Ludong na maaari ring magmahal ang presyo at mapabilang sa indigenous species at mahirapan silang maibalik kaya kailangan nilang ipagbawal muli ang pangunguha nito.

Nakatakda rin aniyang ilapit ng BFAR ang isyu sa lokal na pamahalaan upang maigawa ng lokal na batas na kakailanganin upang maprotektahan hindi lamang ang dalara o igat kundi maging ang iba pang indigenous species.

Ang ban ng exportation ng elvers ay nakapaloob sa ilalim ng Fisheries Administrative Order No. 242. na may kaparusahang pagkakulong ng walong taon, pagkumpiska sa mga hinuli, o  multa na doble sa katumbas na halaga ng pag-export at revocation ng fishing at export permit.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply