Facebook founder nagpakasal na

PORMAL nang ipinahayag ng founder at chief executive officer (CEO) ng social networking site na Facebook na si Mark Zuckerberg ang kanyang paglagay sa tahimik makaraang magpakasal sa kanyang long-time girlfriend.

Si Zuckerberg ay humarap sa dambana kasama si Priscilla Chan sa ginanap na seremonya sa kanyang bahay sa Palo Alto sa California, sinaksihan lamang ng 100 guests.

Nabatid na itinaon ni Zuckerberg ang pagpapakasal kay Chan matapos ang  pagtatapos nito sa medical school sa University of California.

Naging magkasintahan sa loob ng siyam na taon ang dalawa matapos magkapalagayang loob makaraang magkakilala sa Harvard University.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply