Fare hike petition ng bus operators ibinasura ng LTFRB

HINDI pinagbigyan ng Land Transportation Franchising & Regulatory Board (LTFRB) ang fare hike petition ng mga bus operator.

Matatandaang noong Marso, naghain ng petisyon ang mga bus company kaugnay sa pagtataas ng singil sa pasahe dahil sa noo’y patuloy na pagtaas ng presyo ng krudo.

Pahayag ng LTFRB, hindi napapanahong magtaas ng pasahe dahil bukod sa bumaba na ang presyo ng produktong petrolyo ay hindi rin maipaliwanag ng mga operator kung bakit may mga bus company na kaya namang magbaba ng pasahe.

Kaugnay nito, humirit din ang mga grupo ng commuters na i-rollback na rin ang flagdown rate ng taxi sa P30 mula P40.

Noong nakaraang Martes naman nang tuluyang ibalik sa P8.00 ang minimum fare ng jeepney para sa unang apat na kilometro.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply