Female singer naiinis kapag ikinukumpara kay Jessica Sanchez

ON CAM ay nakangiti si female singer kapag ikinukumpara ang kanyang kamuks kay Jessica Sanchez. Proud daw siya pero nakahihiya naman daw dahil mas maganda naman sa kanya ang American Idol finalist. Napaka-humble n’ya, ‘di ba? Pero ano ining (itong) natanggap naming tsismis na off-cam pala ay nakasimangot daw ang una kapag sinasabing the same sila ng face value ni Jessica? Mas maganda naman daw s’yang ‘di hamak sa dalagang tinalo ni Phillip Morris, este, Phillips.

True ba ini? Sabagay, mas beauty nga siya ngayon kay Ms. Sanchez. Eh, kung tingnan kaya natin ang mga larawan niya before and after, mas okey pa nga ang nose ng Mexican-Pinay singer. Ngayon na lang siya lumamang dahil naayos na ang kanyang ilong. Don’t tell a lie. ‘Wag mag-deny! Hehehe!

***

Mga Pinoy abroad nagde-demand ng recount sa AI

MEDYO hilong-talilong daw ngayon ang pamunuan ng American Idol dahil for the first time ay ngayon lang sila nakalampag nang husto dahil sa samu’t saring reaksyon at reklamo ng mga Pinoy sa buong mundo. May nagde-demand pa ngang magkaroon ng recount sa pagbilang ng boto na umabot sa kabuuang 132,000,000. Imagine kung gaano kalaki ang bibilangin nila ulit? Hahaha!

At kung napanood ninyo sa YouTube yung pagngangalngal ng isang bata dahil natalo ang manok natin, tayo pa kayang mga matatanda ang hindi magrereklamo gayong alam naman nating nagkaroon talaga ng dayaan?

Maging ang former contestants na sina Stefano Langone ng Season 10, at Season 5 top three finalist Elliot Yamin ay nagsalita rin laban sa AI management. Masyado raw silang na-frustrate sa naging resulta ng kompetisyon kung saan tinalo ni Phillip Phillips ang Mexican-American-Filipina na si Jessica Sanchez.

Ayon sa dalawa, nagiging popularity contest na raw ang AI. Nahaluan na rin ng politika.
Kung sino ang sikat at may itsu ang siyang nananalo. Hindi isinaalang-alang ang galing ng isang indibidwal, kagaya nga ni Jessica. Saklap!

Well, alam naman natin ang mga kalahi natin, kapag nasa tama ay ipinaglalaban. Hindi nga tayo tinayuan ng balahibo sa banta ng China, sa dakdakan pa kaya. Hikhikhik!

***

‘Born to Love’ You marami na ang nag-aabang!

MAGAGANDA at madami ang positive feedback ng full-trailer ng “Born to Love You”, ang pinakabagong pelikula mula sa Star Cinema! The more you watch the trailer, the more it gets you excited to watch the movie! Mukhang isang big success na naman ang pangalawang handog ng Star Cinema for their 19th anniversary!

Madami din ang naaliw at natuwa sa mga nakakakilig na eksena nina Coco Martin at Angeline Quinto! Hindi talaga maikakaila ang malakas na appeal ni Coco Martin as a leading man, lalo pa nga na alam ng lahat kung gaano s’ya kahusay umarte that’s’s why he’s being heralded now as the most awarded actor of his generation! As for Angeline naman, mukhang may ibubuga nga sa pag-arte sa big screen ang tinatagurian ngayong Queen of theme songs! In fairness, maganda ang rehisto n’ya sa big screen at natural ang pag-arte!

It is also inspiring to take note that as far as Angeline is concerned, everything started with a dream! Nangarap s’yang maging isang sikat na singer at nakamit naman n’ya ito nang manalo s’ya sa Star Power. At ngayon naman, ang isa pa n’yang pangarap na makagawa ng pelikula at makapareha si Coco ay natupad din! Sabi nga, dreams do come true!

Dahil dito, talgang marami na ang nag-aabang na mapanood ang pelikulang “Born To Love You” na idinirehe ni Jerome Pobocan sa kanyang kauna-unahang mainstream movie. Direk Jerome has been directing for television for the almost 15 years now, at kasama sa mga naidirek n’ya ay ang mga ABS-CBN top-raters na “May Bukas Pa”, “Nasaan ka Elisa?” at “Mara Clara” to name a few. With these past teleseryes, it’s almost sure na maganda din ang kakalabasan ng “Born to Love You”!

“Born to Love You” is co-produced by Cine Media and also stars Albert Martinez, Eula Valdez, Al Tantay, Malou de Guzman and the special participation of Tonton Gutierrez,. It will also hold its grand red carpet premiere on May 29 at the SM Megamall Cinema 9 at 6PM.

***

Para sa inyong mga opinyon at reaksyon, tumawag lamang o mag-text sa #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoon.com at maari  n’yo rin kaming silipin sa aming Facebook account, i-type lamang ang aming pangalan.

Mabalos!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply