FG Arroyo balik-Pinas na

BALIK Pilipinas na si dating first gentleman Jose Miguel “Mike” Arroyo makaraan ang pakikipagpulong niya sa investors at grupo ng overseas Filipino worker (OFW) sa Japan.

Bago umuwi ng bansa kanina ay nabatid na nagbakasyon muna sa Hong Kong si Arroyo at doon na sinundo ng kanyang abogado na si Attorney Edna Herrera-Batacan.

Bukas, Mayo 11 nakatakdang mag-report sa Sandiganbayan 4th Division si Arroyo para sa kanyang pagbabalik sa bansa.

Matatandaan na pinayagan ng Sandiganbayan si Arroyo na pumunta sa Japan mula Mayo 3 hanggang 6 at sa Hong Kong mula sa Mayo 7 hanggang 10 sa kanyang ipinasang petisyon noong April 25, kasabay ng kanyang pagbabayad ng P90,000 cash na travel ban.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply