Fil-Am na baon sa utang pinalamon ng bala

PILIT pinanganga saka pinaputukan ng baril sa bibig ang isang balikbayan na natagpuang walang buhay sa tinutuluyan nitong bahay kaninang madaling-araw sa Caloocan City.

Kinilala ni Chief Insp. Francisco Vargas, hepe ng Sub Station 1, Caloocan PNP, ang biktima na si Richard Meyer, 30, Filipino-American National, ng #59 Tirad Pass cor. Marcelo Street, Barangay 134, Bagong Barrio, Caloocan City.

Lumitaw sa imbestigasyon ng pulisya na ala-1:00 ng madaling-araw nang matagpuang walang buhay ang biktima na duguang nakahandusay sa sahig ng kanyang bahay.

Nabatid mula sa ilang residente sa lugar na bago ang pamamaril ay nakarinig sila ng pagmumura mula sa limang lalaki na puwersahang pinasok ang bahay ng biktima na noon ay natutulog.

Posible umanong kinakaladkad palabas ng bahay ang dayuhan subalit pumalag ito kaya siya binaril.

Lumabas sa pagsisiyasat ng pulisya na isinubo ng mga salarin ang cal .38 revolver sa biktima at saka ito ipinutok.

Nabatid din mula sa pulisya na si Meyer, dating US marine ay baon umano sa utang at kalalabas lang ng kulungan dahil sa kasong alarm and scandal at resisting arrest.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply