Fil-Ger Sieber pasok sa finals sa Tennis Tournay sa Czech Republic

ENTRA sa finals si Filipino-German Marc Sieber makaraang gulatin si 4th seed Andrej Martin ng Slovakia, 6-2, 3-6, 6-3  sa 2012 Czech Republic F2 Futures tournament na idinaraos sa TK Most tennis club sa Pod Konskym Vrchem sa Czech Republic.

Bumalikwas ang 24-anyos na si Sieber mula sa mabagal na pagsisimula sa ikalawang yugto upang sagkain ang anumang pagsisikap ni Martin sa semifinal match sa torneong may basbas ng International Tennis Federation.

“I relaxed a little bit in the second set. I had a lot of unforced errors. But I never let him get the chance in the third set,” ayon kay Sieber na nagkaroon ng 5 service aces at rumehistro ng kabuuang 60 winners.
Haharap ang qualifier na si Sieber kay second seed Marke Michalicka ng Czech Republic sa championship round ngayon.

Nagtala si Michalicka ng makapigil-hiningang 6-2, 6-7 (2), 7-6 (0) pagwawagi kontra kay Alexey Vatutin ng Russia sa magkaibang semis games.

Ikalawang championship appearance ito ni Sieber sa ngayong 2012 kung saan ang una ay sa Croatia F5 Futures tournament sa Rovinj, Croatia kung saan natalo ito kay Roberto Carballes Baena ng Spain, 4-6, 6-4, 5-7.

Sa kabilang banda, diretso naman sa 2nd round ng qualifying phase si Marc Reyes matapos gapiin si Ariez Elyaas Deen Heshaam ng Malaysia, 6-0, 6-1, sa Thailand F3 Futures tournament na ginaganap sa Rama Garden Sports Complex sa Bangkok, Thailand.

Sunod na makakaharap ni Reyes si Diminik Schulz ng Germany na namayani kay Daniel Ferretti ng Austria, 6-4, 6-4.JCHAN

 

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply