Final list ng mga tatakbong party-list target ilabas ngayong Mayo

UMAASA ang Commission on Elections na mailalabas na nila sa katapusan ng Mayo ang final list ng party-list groups na papayagang tumakbo sa May 2013 midterm elections.

Sinimulan na ng Comelec ngayon ang pagsasagawa ng marathon hearing sa registration ng mahigit 170 party-list organization na nagnanais na makakuha ng congressional seat sa halalan sa susunod na taon.

Sinabi ni Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr. na dalawang dibisyon ng poll body ang hahawak sa mga pagdinig na isasagawa tuwing Miyerkules at Huwebes sa buong buwan ng Mayo.

Anang poll chief, nais nilang matapos na ang pagdinig sa katapusan ng buwan upang matukoy kung anu-anong grupo ang makakalahok sa eleksyon.

Tiniyak rin ni Brillantes na mahigpit nilang ipatutupad ang mga panuntunan ng Republic Act No. 7941 o mas kilala sa tawag na Party-list System Act.

Matatandaang una nang inalis sa listahan ng Comelec ang may 62 party-list groups at hindi pinayagang makatakbo sa 2013 polls.

Batay sa 24-pahinang resolusyon na ipinalabas ng Comelec en banc kamakailan, nabatid na ang 29 sa delisted group ay nabigo umanong makakuha ng sapat na boto sa nakalipas na dalawang magkasunod na halalan, habang ang iba pa ay nabigong makakuha ng registration sa ilalim ng sistema.

Nilinaw naman ni Brillantes na ang mga delisted groups ay maaari pa ring makatakbo sa 2016 elections.

“That means they cannot run in 2013… they are suspended for one election period. But they can file [their candidacy] again in 2016,” ayon kay Brillantes.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply