Financial consultant, iginapos saka pinagbabaril

IGINAPOS muna bago pinagbabaril ang isang financial consultant matapos pasukin ng apat hindi pa nakikilalang mga suspek sa Caloocan City kaninang madaling-araw.

Dead on the spot sanhi ng mga tama ng bala sa katawan si Jose Martinez Jr., 42, ng GSIS Hills Subd., Talipapa, nasabing lungsod.

Sa pahayag ng ka-live-in ng biktima na si Maricel Retita, alas-2 ng madaling-araw, natutulog siya sa loob ng kanyang kuwarto nang makarinig ng mga putok ng baril sa kuwarto ng biktima.

Pupuntahan sana ni Retita ang kuwarto ng biktima subalit pagbukas niya ng pinto ay nakita ng una ang mga suspek na naging dahilan upang muling isara ang pintuan at magkulong sa loob ng silid.

Tinangka pa ng mga suspek na buksan ang pinto ng kuwarto ni Retita subalit nabigo sila hanggang sa magsitakas na gamit ang Honda CRV (XSN-668) ng biktima.

Nang wala na ang mga suspek ay tumawag sa mga kaanak si Retita na tumawag naman ng mga pulis.

Nadatan ng mga pulis ang biktima na nakagapos ang mga kamay habang nag-iwan ng mensahe ang mga suspek sa dingding na may nakasaad na “Hayop ka Jojie Stapador.”

Nagsasagawa na ng follow-up operation ang pulisya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply