Fish kill ibinabala ng BFAR sa fishpen owners

NAGBABALA na ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa mga may-ari ng fishpen na anihin na o hulihin ang kanilang mga isda hanggang sa katapusan ng buwang ito.

Ang babala ay ipinahayag ni BFAR Director Asis Perez upang hindi na maulit ang fish kill sa ilang bahagi ng Luzon gaya nang naganap noong isang taon lalo na sa panahon ng tag-ulan kung kailan nag-iiba ang oxygen level sa tubig.

Sinabi ni Perez na hindi dapat maulit ang fish kill dahil tiyak na malulugi ang maraming fishpen owner.

Makadadagdag din sa posibilidad ng fish kill ang makulimlim na panahon ngayong tag-ulan.

Kapag hindi umano nakapapasok ang sikat ng araw sa tubig, bumababa ang produksyon ng dissolved oxygen na siyang nagdudulot ng pagbagal ng metabolismo ng mga isda.

Kung sosobra ang pakain sa mga isda, makasasama rin ito sa kondisyon ng tubig at maaaring ikamatay ng mga isda.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply