Fish kill sa Laguna Lake seryosong problema – LLDA

INAMIN ngayon ni Laguna Lake Development Authority (LLDA) General Manager Neric Acosta na malaki at seryosong problema ang dulot ng fishkill sa Jala-Jala, Rizal at Calamba, Sta. Cruz, at Pakil, Laguna.

Ani Acosta, indikasyon ito ng kritikal na estado ng Laguna Lake ecosystem.

Ayon sa Presidential Adviser for Environmental Protection, nakikipagtulungan din sa kanila si Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Director Asis Perez upang kausapin ang mga LGUs, FARM-Cs, apektadong komunidad at iba pang concerned stakeholders upang maagapan ang nasabing problema.

Nakasisiguro umano silang makikipagtulungan ang mga komunidad na apektado dahil kabuhayan nila, kalusugan at food security ang nakataya dito.

Uunahin umano nila ang pagbabaon ng mga namatay na isda upang hindi magkasakit ang mga tao.

Kasunod umano nito ay ang pagsisigurong hindi magugutom ang mga tao sa apektadong lugar.

Aalamin din umano nila ang mga pinagmumulan ng polusyon na siyang sanhi ng fishkill, at magsasagawa na rin ng mga proyekto at scientific studies upang maibalik ang mataas na kalidad ng tubig sa lawa.

Naging malaking babala sa Batangas ang naganap na fishkill sa Laguna Lake.

Ayon kay Calatagan agriculturist Mien Custodio, nagsasagawa sila ng bantay-dagat upang alisin ang mga duming nagiging sanhi ng polusyon.

Nag-utos naman si Batangas Governor Vilma Santos Recto na lahat ng baybayin sa probinsya ay palagiang linisin upang mabawasan kahit paano ang duming dala ng mga turista noong tag-araw.

Ani Santos-Recto, malaking tulong sa ekonomiya ng probinsya ang pagdagsa ng turista kapag tag-araw ngunit malaking problema sa basura naman ang kanilang naiiwan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply