Fishing ban ng China sa South China Sea ikinatuwa ng Palasyo

IKINATUWA ng Malakanyang ang anunsyo ng China na sila ay magpapatupad ng fishing ban sa South China Sea simula sa Mayo 16 hanggang Agosto 1.

Ayon pa kay Pangulong Benigno Aquino III, suportado nila ang fishing ban na inanunsyo ng China dahil makatutulong ito sa mabilisang recovery process sa rumuruming Scarborough Shoal.

Sa isang panayam kay Pangulong Aquino, sinabi nito na mas maraming big time na Tsinoy na mangingisda ang iligal na pumapalaot sa Panatag Shoal habang sa Pilipinas ay mga pipitsuging Pinoy na mangingisda lamang kaya’t malinaw na pabor aniya iyon sa bansa.

“The Coast Guard and the BFAR have been telling us na naapektuhan na ‘yung Scarborough Shoal—something about the discoloration of the water.. But there seems to have been damage already inflicted so ‘yung there’s damage, we want to help the ecosystem recover, and a ban would help in the recovery process,” bahagi ng pahayag ni Pangulong Aquino.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply