Fishing ban ng China sa WPS ‘di kikilalanin– DFA

WALANG balak ang pamahalaan na kilalanin ang gagawing pagbabawal ng China na manghuli ng isda at iba pang yaman-dagat sa South China Sea o West Philippine Sea kabilang na ang pinag-aawayang Scarborough Shoal.

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario, panghihimasok sa teritoryo ng Pilipinas ang gagawin pagbabawal ng China na mangisda sa pinagtatalunang hugis-trianggulong kalipunan ng mga buhanging-isla at bato na matatagpuan 220 kilometro mula sa baybayin ng Masinloc, Zambales.

Ipinagdiinan din ng kalihim na ipapatupad ng Pilipinas ang lehitimo at natatanging karapatan nito sa loob ng eclusive economic zone, alinsunod sa umiiral na probisyon ng United Nations Convention of Law of the Sea (UNCLOS).

Gayunpaman, naniniwala naman si Del Rosario na kailangan ng Pilipinas na magpatupad ng sariling pagbabawal sa mga Pilipinong pamalakaya na mangisda sa pinagtatalunang karagatan dahil sa umano’y pagkaubos ng yaman-dagat.

Batay sa ulat ng Xinhuan News Agency, magpapatupad ang pamahalaang China ng ‘fishing ban’ simula bukas, (Mayo 15) hanggang Agosto 1 sa South China Sea o West Philippine Sea.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply